"LAPIS AT PAPEL"
...kung itatanong mo saken kung gano kita kamahal,
sasabihin q xau katulad ng pagsasama ng lapis at papel;
...ako ang lapis at ikaw ang papel,
na mula sa kawalan ay nakabubuo ng napakaraming kahulugan
at ngaun isusulat q xau ang lahat ng aking mga pangarap,
mga kwentong masasaya't nakakaiyak,
guguhit din ako ng mga larawang makulay;
... gusto kong buhayin ang sumusikip mong mundo,
nais kong ipakita ang ganda nito
at dito mabubuo ang ating kwento,
mga pangarap na magtatagal;
...sa mga pangarap na ito dapat sumugal
habang tayo'y nagsasama,
sumulat lamang ako sa mapag-aruga mong papel..
pupunan ko ang pagiging bakante nito..
hayaan mo lang akong sumulat
habang my espasyo pa..
hangang kaya mo pa..
kung sakaling magsawa ka na
at ayaw mo na akong makasama
palalayain kita kung san ka man masaya;
...kaya kong gawin 'yon kahit di q man gus2,
kahit na ang lahat ng pangarap ko'y binuo
ko lng dahil sa pagmamahal ko sayo...
...at ngaun titiklupin kita bilang isang eroplanong papel,
katulad ng ibon sa kulungan, masakit man sa may-ari
ng ibon kailangan nyang gawing malaya,
wala na syang magagawa kundi maghintay..
maghintay sa pag-asang muling babalik..
..bago muna kita paliparin isusulat q muna
ang pangalan q ng di mo makalimutan
ang pagmamahal ko.,
ang salitang, "maghihintay ako..."
...paliliparin kita sa malawak na langit,
kasabay ang malamig na hangin,
na nagsasabing may nagmamahal sayo,
mula sa itaas makikita mo marahil
ang mundong wala noong magkasama pa tayo;
...kasabay ng iyong pagiging malaya
ang pagpili kung saan magustuhang lumapag,
at kung bumagsak sa lupa..
...doon marahil ay may kukuha sa iyo at
kung wala mang kumuha o pumansin sayo
dahil hindi ka na singganda at
tayog nang nasa itaas ka pang-lumilipad
at kung lahat ng inaasahan
mong kukuha sayo ay dinadaan-daanan ka lang....
...kasabay sa paglubog at pagsikat ng
araw, doon..... doon ako darating
upang kunin ka, iaayos ko ang mga natiklop
mong bahagi noong eroplanong papel ka pa;
...ibabalik sa pagiging papel, at iaalok
ang mundong muli kong binuo para sa'yo
at ako parin ang lapis at ikaw ang papel...
...huwag kang bibitaw, mahal ko...wag...
at kung itatanong mo sakin kung
gaano kita kamaha,
huwag muna mahal..
huwag ngaung masaya na tayong magkasama...
,...e2 ang tula n aking nilikha nung nakilala q 1st luv q..
..n c A_ _ _ _ ...
i supposed to give this poem at her bithday..
but unfortunately.. di q n naibigay kxe we already lost communication.. :(
read my article entitled "cupidong malapot..."
para makilala mo c A... :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment